Nagkamalay
akong tangan sa puso’t isipan
Sa sundalo, militar – muhi’t pagkasuklam
Sa karapatang pantao, dun sa aming baryo, sila’y abusado; HR
violator tawag ng mga progresibo
Kaya’t sa kanila’y di-nababagay ni katiting na pang-unawa at
respeto.
Lagi kong
naaalala, tatay kong pulis noong nabubuhay pa
Sa katas-gobyerno daw kami nagkalama’t nagkamukha
Bakit daw sa kauri niya kapintasa’y baon ang dala
Sagot ko’y patanong, “sa karahasan nila’y, bulag ka ba?”
Isang gabi
noon, sa sayawan aming kasambahay ay naimbitahan
Isang sundalong lasing, sinayaw siya at hinalikan
Di-makapaniwala sa nakita, sa tatay ay sumugod at nagsumbong
Napangiti sa akin, sabay sabi, “Anak kung minsan sila ay ganun”…
Mga tanong sa
ganito, pinukol sa tatay ko
Sabi niya pagdating ng araw ay maiintindihan ko
Kung minsan daw sa kanilang trabaho, di-maiwasan ito
Isipin ko daw na sila rin ay tao, buhay naman ay handang ibuwis sa
tawag ng serbisyo.
Nabigyan nang
pagkakataong makapag-aral ukol sa kapayapaan
Pagpapahalagang puno ng kalituhan, naibahagi at napag-usapan
Kapayapaan pala ay di-nangangahulugang kung sino ang may kasalanan
ay mahusgahan
Matumbok ang ugat ng karahasan, ito, mga kapatid, ang mas matimbang.
Sa paglipas
ng panahon, isipa’y unti-unting nabago
Pagmamahal ay nararapat, handog sa lahat nang tao
Sa gahaman, sakim, magnanakaw ma’t mamamatay-tao
Silang lahat ay mga tao, anupaman – sila ay may puso!
Kaya ang
panawagan sa ngayong kapanahunan
Pairali’y hindi dahas, pagkasuklam, o hamunan
Pang-unawa, pag-ibig – isabuhay, siyang ating ialay
Sa lahat nang tao, katayuan man sa buhay ay hiwalay.
Lahat tayo ay
biktima nang marahas na kasaysayan
Paghahanap, kasalanan nino, atin nang tigilan!
Paano ipaintindi sa kapwa mahirap, gayundin sa mga mayayaman
Karapatang pantao, kapayapaa’y – ating pagtulungang ipaglaban!
Kabukasan
nang isip at puso lang ang tanging daan
Halina mga kapatid – sa sarili’y umpisahan
Hawak-kamay tungo sa mithiing pagkakapantay-pantay, kaunlaran at
kapayapaan
Mabuhay ang Mindanaw, ang Pilipinas, ang sanlibutan!